Cold War sa Europa at Amerika AP8 Q3 Week 5 (Revised K-12 Curriculum) #ap8matatag
FULL TRANSCRIPT
Ang cold war sa Europa at
America. Bagam't nagkaisa ang mga allies
laban sa mga Nazi ay nagsimula ang
paghahati sa pagitan ng dalawang
magkakampi dahil sa pangingibabaw ng
hidwaan ng ideolohiya sa pagitan ng
kapitalismo at
komunismo. Ang pagsimula ng cold war sa
Europa at America.
Ang Estados Unidos ang pangunahing
bansang
Demokratiko. Samantalang ang Unyong
Sobiet ay
komunista. Ang desisyon sa Potsdam na
hatiin ang Alemanya ay hindi lamang
isang hakbang para sa pagbabalik ng
kapayapaan kundi isang pagsasaayos na
nagpatibay sa hating pampulitika sa
Europa. Isang hatian na nagbigay daan sa
malawakang pagbabago sa rehiyon at
nagtulak sa pag-usbong ng Cold War. o
hindi tuwirang
labanan. Upang mapanatili ng Unyong
Sobiet ang kapangyarihan sa silangang
Europa ay pinutol nito ang
pakikipag-ugnayan sa mga kanluraning
bansa. Naputol ang kalakalan, limitado
ang paglalakbay. Bawal ang pahayagan,
magazine, aklat at programa sa
radyo. Ito ang tinagurian ni Winston
Churchill na iron curtain o
pampulitikang paghahati sa pagitan ng
Soviet block at
taga-canluran. Ang pagbuo ng iron
curtain at ideolohikal na hidwaan sa
pagitan ng mga bansa sa kanluran at
silangan ang naging pundasyon ng Truman
Doctrine noong 1947.
Ang Truman doctrine ay inilunsad ng
Estados Unidos sa pangunguna ni
Pangulong Harry Estruman bilang
pangunahing hakbang upang pigilan ang
paglaganap ng komunismo at tulungan ang
mga bansang nasa panganib ng impluwensya
ng Unyong Subet.
Naglaan ang Estados Unidos ng 400
million upang suportahan ang Greece at
Turkey. Ang tulong na ito ay bahagi ng
mas malawak na layunin ng Estados Unidos
upang pigilan ng paglaganap ng
komunismo. Ang Truman doctrine ay
nagpatindi ng tensyon sa pagitan ng
Estados Unidos at Unyong Sobiet at
itinuturing na isa sa mga pormal na
simula ng Cold War.
Kasunod ng pagsasakatuparan ng Truman
doctrine ay inulansad ng Estados Unidos
ang Marshall Plan na kilala rin bilang
European Recovery Program. Ito ay binuo
ni George C. Marshall, ang Secretary of
State ng Estados
Unidos. Sa ilalim ng planong ito ay
inalok ng Estados Unidos ng malawakang
tulong pinansyal ang bawat bansa sa
kanlurang Europa kabilang na ang Grand
Britanya.
Layunin ang planong ito na muling
buhayin ang ekonomiya ng rehiyon at
pigilan ang paglaganap ng
komunismo. Ayon sa plano ay magbibigay
ang Estados Unidos ng humigit kumulang
13 bilyong dolyar katumbas halos ng 150
billion sa kasalukuyan sa 16 na bansa sa
anyo ng mga pautang at grant sa mga
bansang apektado ng digmaan sa kanlurang
Europa. Ayon sa plano ay magbibigay ang
Estados Unidos ng humigit kumulang 13
bilyong dolyar katumbas halos ng50
billion sa kasalukuyan sa 16 na bansa sa
anyo ng mga pautang at grant sa mga
bansang apektado ng digmaan sa kanurang
Europa. Ang NATO at Warsopac.
Ang North Atlantic Treaty Organization o
NATO ay itinatag noong April 4, 1949
bilang isang kasunduan sa pagitan ng
lawang bansang
kanluranin. Ang pangunahing layunin ng
alyansang ito ay protektahan ang mga
kasapi mula sa banta ng
komunismo. Ang NATO ay nagsilbing
kolektibong depensa kung saan ang mga
kasaping bansa ay nagkasundong
magtulungan at pagsamahin ang kanilang
pwersang militar upang ipagtanggol ang
bawat isa laban sa anumang pagsalakay.
Sa pagkamatay ni Joseph Stalin noong
1953 ay sinikap ng bagong pamunuan ng
Unyong Subyet sa ilalim ni Nikita
Kruschov na panatilihin at palakasin ang
kontrol nito sa silangang
Europa. Binuo ng Unyong Sobiet ang
Warsopac noong 1955 bilang pananggalang
nito sa
NATO. Ang Warsopac ay binubuo ng mga
bansang nasa ilalim ng impluwensya ng
Unyong Soviet.
Nakasaad sa Warsopac na ipagtatanggol ng
lahat ng miyembro ang alinmang bansang
kaanib nito sakaling lusubin ito ng
kabilang
kampo. Ang space
race, ang kompetisyon sa teknolohiya at
agham sa pagitan ng Estados Unidos at
Unyong Sobiet ay naging masidhi kaya
isinilang ang tinawag na space
race. 1955. unang nagdeklara ang Estados
Unidos ng plano na magpadala ng
artifisyal na satelite sa kalawakan at
bilang tugon ay agad na nagpahayag ang
Unyong Subyet ng katulad na
plano. October 4, 1957 ay matagumpay na
nailunsad ng Unyong Subet ang Sputnik
ang unang artifisyal na satellite na
umikot sa
mundo. Sinundan ng Sputnik I noong
November 3, 1957. Sakay ang asong si
Laika ang unang buhay na nilalang na
ipinadala sa
kalawakan. 1959 ay inulunsad nila ang
Luna 2, ang unang spacecraft na
nakarating sa
buwan. Sakay ng Vostock 1, si Yuri
Gagarin ang unang tao na nakaikot sa
daigdig noong April 12, 1961 na siyang
nagbigay ng malaking karangalan sa
Unyong Subet.
Upang matugunan ang mga hamon ng space
race ay itinatag ng Estados Unidos ang
National Aeronautics and Space
Administration o NASA noong July 29,
1958 na siyang nanguna sa mga programa
sa
kalawakan. May 5, 1961 si Allan Shepard
ang unang Amerikanong nakarating sa
kalawakan.
July 10, 1962 ay pinalipad sa kalawakan
ang Telstar, isang pangkomunikasyon na
satellite. Nagulat ang buong mundo sa
nagawang ito ng Estados Unidos dahil sa
pamamagitan nito ay maaari ng
makatanggap ng tawag sa telepono at
makakita ng palabas sa telebisyon mula
sa ibang
bansa. December 24, 1968 ay matagumpay
na umikot ang misyong Apollo 8 sa buwan.
July 20, 1969 ay nagtagumpay ang misyong
Apollo 11 na makapagpadala ng tao sa
buwan. Sina Neil Armstrong at Edwin
Aldrin ang mga unang taong nakatapak sa
ibabaw ng
buwan. Ang Cuban missile
crisis. Pinangunahan ni Fidel Castro ang
pagpapatalsik sa diktadura ni Folheno
Batista na kaalyado ng Estados Unidos.
Naging pangamba ng Estados Unidos ang
paglaganap ng komunismo sa Cuba lalo na
at malapit lamang ito sa Estados Unidos.
Nagsagawa ng mga hakbang ang Estados
Unidos upang mapigilan ang paglaganap ng
komunismo sa Cuba gaya ng pagpataw ng
embargo. Bilang tugon mula sa banta ng
Estados Unidos ay humingi naman ng
tulong si Castro sa Unyong Sobiet na
agad namang nagbigay ng suporta sa
kanyang
rehimen. Ang pagtanggap ng armas at
tulong militar mula sa Soviet ay
nagbigay daan sa pagtatayo ng mga base
ng missile sa Cuba noong 1962.
Ang hakbang na ito ang nagsilbing tugon
ng Soviet upang kontrahin ang mga armas
nuclear ng Estados Unido sa
Turkey. October 1962, sa pamamagitan ng
isang aerial reconnaissance ay
natuklasan ng Estados Unidos na
nagtatayo ang Unyong Subet na mga base
ng missile sa
Cuba. Ang pagkakatuklas na ito ay
nagpasimula ng laingatong araw ng
matinding tensyon kung saan ang parehong
panig ay gumamit ng estratehiyang
brinkmanship. Isang taktika kung saan
sinasadya nilang ilapit ang sitwasyon sa
bingit ng digmaan upang pilitin ang
isa't isa na umatras o
makipagkasundo. Nagpadala ang Estados
Unidos ng isang plota ng mga sasakyang
pandigma upang harangan ang mga barkong
subyet na magdala ng karagdagang armas
nucleyar sa
Cuba. Matapos ang masinsinang
negosyasyon sa pagitan ni Pangulong John
F. Kennedy at chairman ni Kita Cruschov
ay nagkasundo ang dalawang leader na
tanggalin ang mga armas nuclear ng
Unyong Soviet sa Cuba. Bilang kapalit ay
inalis din ng Estados Unidos ang
kanilang mga missiles sa Turkey na
nagbabantang makapinsala sa Unyong
Sobiet. Ang cold war sa Europa at
America.
UNLOCK MORE
Sign up free to access premium features
INTERACTIVE VIEWER
Watch the video with synced subtitles, adjustable overlay, and full playback control.
AI SUMMARY
Get an instant AI-generated summary of the video content, key points, and takeaways.
TRANSLATE
Translate the transcript to 100+ languages with one click. Download in any format.
MIND MAP
Visualize the transcript as an interactive mind map. Understand structure at a glance.
CHAT WITH TRANSCRIPT
Ask questions about the video content. Get answers powered by AI directly from the transcript.
GET MORE FROM YOUR TRANSCRIPTS
Sign up for free and unlock interactive viewer, AI summaries, translations, mind maps, and more. No credit card required.