Mga Hamon sa Pagkabansa ng Pilipinas Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig AP7 Q3 Week 3-4
FULL TRANSCRIPT
Ang mga hamon sa pagkabansa ng Pilipinas
matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdig.
Matapos makamit ng Pilipinas ang
kasarinlan ay pinagpasyahan ng mga
Pilipino ang pagtatatag ng pamahalaang
demokratiko.
Dahil nagsisimula pa lamang ang pagsasa
ng pagkabansa ay naharap ang Pilipinas
sa mga hamon sa pulika, ekonomiya,
kultura at lipunan.
Ang hamon sa pulika.
Ang Pilipinas ay nahaharap sa mga hamong
politikal na nakakahadlang sa pag-unlad
nito. Ang mga hamong ito ay nagsisilbing
anino na nakakaapekto sa pang-ekonomiya
hanggang sa pangkultural at panlipunang
kalagayan nito.
Ang demokratikong elitismo sa Pilipinas.
Ang mga elit ay maliit na pangkat ng mga
makapangyarihang tao na may angking
yaman, pribilehiyo at kapangyarihan o
kasanayang pulitikal. Sila ay nabibilang
sa higit na nakatataas na antas ng
lipunan.
Noong panahon ng mga Espanyol sa
Pilipinas, sila ay ang mga ilustrados.
Mayaman, nakapag-aral, may kasanayan at
kapangyarihan sa lipunan.
Sila ang karaniwang namumuno sa
pamahalaan kaya tinawag din silang
demokratikong elite. At demokratikong
elitismo ang tawag sa sistemang ito.
Ang demokratikong elitismo sa Pilipinas
ay tumutukoy sa konsentrasyon ng
kapangyarihan at impluwensya sa kamay ng
ilang mayayaman at may pinag-aralan sa
kabila ng sinusunod na proseso at
institusyong demokratiko.
ang dinastiyang pulitikal.
Ayon sa mga historyador, ang political
dynasty ay nagsimula noon pang panahon
ng kolonisasyon ng mga Espanyol sa
Pilipinas.
Sa kanilang pagdating ay natuklasan nila
na ang Pilipinas ay binubuo ng
libo-libong pamayanan na pinamumunuan ng
mga datu o raha.
Upang masakop ang mga tao ng kapuluan,
hiniling nila ang tulong ng mga dato.
Itinatag ng mga Espanyol ang reduksyon
na nakapailalim sa sentralisadong
pamahalaan.
Inalis nila ang mga barangay na
pinamumunuan ng mga dato at hinimok ang
mga taong naninirahan sa mga bayang
tinatawag nilang kabesera at inalok sa
mga datu ang posisyong gobernador silio
at kabesa de barangay ng mga lokal na
pamahalaan.
Dahil alam ng mga Espanyol kung paano
makontrol ang populasyon ay kailangan
nilang mapasaya ang mga dato.
Binigyan ng mga Espanyol ang mga dato ng
katayuang prinsipalya. o miembro ng
lokal na Maharlika.
Ang mga prinsipalya ay pinagkalooban ng
pabahay sa tabi o harap ng simbahan na
kinikilalang pangunahing lokasyon sa
bawat pamayanan bilang tanda ng kanilang
yaman at pagkakaroon ng prominenteng
katayuan sa lipunan.
Sa pagkakataong ito ang mga gobernador
Silyo at Cabesa de Barangay na
kinikilalang Prinspalya ang siyang
nangasiwa sa pangongolekta ng tributo at
namimili kung sino ang magkakaloob ng
persahang paggawa sa pamayanan. Ang
kaayusang ito ay mabilis na naging sanhi
ng pang-aabuso.
Ginamit ng maraming prinsipalya ang
kanilang posisyon sa pangingikil,
pananakot at paghingi ng sobrang
kabayaran sa mga katutubong Pilipino.
Bilang prinsipalya, sila ay may mga
benepisyo at pribilehiyo. Ligtas sila sa
pagbabayad ng buwis at tributo. At higit
sa lahat, ang katayuan o posisyon ng
principalya ay minamana kasama ang
posisyon nito sa pamahalaan.
Ito ang naging sanhi kung bakit naging
napakamakapangyarihan,
maimpluwensya at mayaman na mga pulitiko
na nangasiwa sa malalawak na lupaing
agrikultura sa bansa.
Bagam't ang mga Espanyol ang naglatag ng
pundasyon ng dinastiyang politikal sa
bansa, ang mga Amerikano ang pormal na
nagpatupad nito.
Batay sa mga babasahing isinulat ni
Professor Roland Simbulan ng unibersidad
ng Pilipinas. Ang dinastiyang politikal
sa Pilipinas ay nagsimula noong panahon
ng kolonisasyon ng mga Amerikano.
Sa panahon ng Amerikano pinasimulan ang
halalan sa Pilipinas kung saan ang mga
prinsipalya lamang ang pinagkalooban ng
karapatang bumoto at ang mga posisyon sa
pamahalaan ay limitado lamang sa mga
Amerikano at miyembro ng Prinalya.
Ito ang naging sanhi ng paglawak ng
agwat sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap na Pilipino. Natural na
maganap ito sa dahilan na ang mga
principalya ay nasa posisyon lamang para
sa kanilang sariling kapakinabangan.
Ang sistemang patronage.
Sa sistemang patronage o padrino ay ang
pagkakaloob ng pabor tulad ng pagtaas ng
katungkulan o pagtatalaga sa pamahalaan
ng isang kawani bunsod ng kaugnayan nito
sa isang pulitiko.
Ang indibidwal na ito ay maaaring wala
namang kakayahan o kwalipikasyon sa
posisyon na ipinagkaloob dito. Dito
pumapasok ang mga sistemang nepotismo at
kronism.
Ang panahon ng diktadura sa Pilipinas ay
tumutukoy sa panahon ng batas militar sa
ilalim ng rehimen ni dating pangulong
Ferdinand Marcos.
Idineklara ni Marcos ang batas militar
noong 1972 at pinamahalaan ang bansa
gamit ang autoritaryang pagkontrol
hanggang 1986.
Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng
malalim na epekto sa Pilipinas.
Sinuspindi ang saligang batas at
pinawalang bisa ang legislatura at ang
kapangyarihan ng bansa ay nalagay lamang
sa kamay ni Marcos.
Ito ay nauwi sa pagpigil ng mga
karapatang sibil, karapatan sa
pamamahayag at pagsalungat sa
pamahalaan.
Ang mga sumusunod ay naging hamon sa
bansa noong panahon ng diktadura. ang
kawalan ng katatagang pulitikal, krisis
pang ekonomiya at ang pagpapatag ng
kapangyarihan ng bansa.
Nakilala ang 1986 SNA presidential
elections sa mga paratang na malawakang
pandaraya o panloloko at pagmamanipula
ng resulta ng halalan.
Ang kasukdulan ng mga hamon ng diktadura
ay tinapos ng EDSA People Power
Revolution. Ito ay isang mapayapang
rebolusyon na sinamahan ng milyong
Pilipino na sinuportahan ng mga kilalang
opisyal ng militar na nakiisa sa
pagtatapos ng rehimeng diktadura sa
bansa.
Ang pag-usbong ng mga kilosang komunista
bunsod ng mga sugarining panlipunan.
Ang Communist Party of the Philippines o
CPP ay itinatag ni Jose Maria Sisson ng
samahang Marxist leninist.
Ang CPP ay isang samahang komunista na
layong matamo ang kapangyarihang mamuno
sa Pilipinas sa pamamagitan ng
rebolusyonaryong pag-aalsa.
Itinatag ng CPP ang New People's Army o
NPA na nagsimula ng pakikipaglabang
guillaya laban sa rehimeng Marco sa
pamamagitan ng pataksil na pagpatay sa
mga opisyal ng pamahalaan at pananambang
sa mga tropa ng Hukbong Pambansa.
Ito ay unti-unting lumakas noong 1970s
hanggang 1980s at nagkaroon ng mga
kasapi mula 350 noong 1971 na naging
20,000 noong mga huling taon ng 1980.
Ang NPA ay lumaganap mula sa orihinal na
base nito sa hilagang Luzon hanggang sa
iba pang mga pulo ng bansa gayon din sa
mga lungsod.
Kung kaya't noong mga huling taon ng
1980s, ito ay naging pangunahing banta
sa bagong halal na pangulo ng bansa na
si dating pangulong Corason Aquino dahil
sa kanilang pagtanggi na
makipagnegosasyon sa pamahalaan.
Ang pagrerebelde ng mga pangkat na ito
ay itinalaga ng pamahalaan bilang
gawaing terorismo, bunsod ng marahas na
mga paraan ng makikipagsagupan nito sa
pulisya at hukmong militar ng bansa.
Karaniwang target ng CPPNPA ang mga
opisyal ng pamahalaan, militar,
negosyante at iba pang kinikilala nilang
kaaway. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan
ay nagpapatupad ng iba't ibang paraan
upang malabanan ang terorismo.
Ang separatist movement o Islamic
Secessionist ang pagkakatatag ng
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim
Mindanao o Barn.
Ang Moro Separatist movement ay
tumutukoy sa matagal na pakikipaglaban
ng populasyong Muslim para sa kanilang
pagsasarili.
Ang katagang Moro ay tumutukoy sa mga
pangkat etnikong Muslim na naninirahan
sa Mindanao at kapuluan ng Sulu sa
katimugan ng Pilipinas.
Ang pangkat na ito ay binubuo ng mga
Tausog, Magindanawon, Maranao at iba
pangkat etniko na nananalig sa Islam.
Ang issue tungkol sa mga Moro separatist
ay nagsimula pa noong panahon ng digmaan
sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano
ng panahong ito ay matapang na
nakipaglaban ang mga moro sa mga
Amerikano upang madepensahan ang
kanilang lupain.
Nang pagkalooban ng kasarinlan ng
Estados Unidos ang Pilipinas ay mariing
sinalungat ng mga moro ang pagsama ng
kanilang lupain sa bansa.
Ang pagsisikap ng mga morong
mapagkalooban ng pagsasarili ay nag-ugat
sa hinaing nilang hindi
pagkakapantay-pantay sa larangan ng
pagmamay-ari ng kanilang lupain at
diskriminasyong pangrhiyon.
Sa puntong ito ay lumitaw ang dalawang
organisasyong separatist. Ang Moro
National Liberation Front at ang Moro
Islamic Liberation Front.
Ang Moro National Liberation Front o
MNLF ay itinatag ni Normis Warry noong
1972. na naghahangad na makapagtatag na
malayang estadong Islamic.
Ang kahilingang ito ay hindi
ipinagkaloob ni dating Pangulong Marcos
at sa halip ay inalok ang samahan ng
reghiyonal na otonomiya na tinanggihan
ng samahan. Bunsod nito ang pangkat ay
nagpasimula ng serye ng pakikipaglaban
at negosasyon sa pamahalaan.
Ang negosasyon ay nauwi sa kasundoang
triple agreement na ginanap sa Libya
noong 1976.
Sa negosasyong ito ay napagkasunduan ang
tigil putukan sa magkabilang panig at
pagkakaloob ng otonomiya sa ilang bahagi
ng kapuluan sa Mindanao na binubuo ng
mga lalawigang Muslim.
Ito ay binubuo ng Basilan, Lanao del
Sur, Magindanao, Sulu at Tawi-Tawi na
higit na kilalang Autonomous Region in
Muslim, Mindanao o ARMM.
Ang pangyayaring ito ay kinikilalang
pambihirang pagtatagumpay sa panig ng
pamahalaan dahil inasahang ito ay
makapagtatatag ng kapayapaan sa rehiyon.
Ngunit matapos ang paglagda sa
kasunduang ito, marami sa miyembro at
opisyal ng MNLF ang kumala sa samahan.
Ito ay humantong sa pagkakalikha ng MILF
noong 1977 ngunit naging aktibo lamang
noong 1984.
Ang pakikipaglaban ng MILF sa pamahalaan
ay nagdulot muli ng kawalan ng katatagan
sa rehiyon mula 1984 hanggang 2013.
Gayun pa man ay binago ng MILF ang
kanilang hiling noong 2014 at inihayag
nila ang higit na pakikipagkasuntang
pulitikal sa halip na lubos na kalayaan.
Sa pagkakataong ito ay tinanggap ng
samahan ang alok ng pamahalaan ng
pagtatalaga ng rehiyong autonomous sa
katimugan ng bansa na tinawag na
Bangsamoro.
At noong 2018 ay ipinasa ng kongreso ng
Pilipinas ang Bangsamoro Organic Law
Republic Act 1104.
Ang batas na ito ang nagkaloob ng legal
na balangkas para sa paglikha ng
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim
Mindanao.
Ang issue sa West Philippines Sea.
Isang malaking hamon na kinakaharap ng
bansa ay ang pag-angki ng China sa
kabuuan ng South China Sea kasama ang
teritoryyong nakapaloob sa exclusive
economic zone ng bansa.
Ito ay nagsisilbing hamon kaugnay ng
soberanyang teritoryo ng bansa sa
dahilang kontrobersyal na 9 dash line na
isinusulong ng China ay salungat sa
angking teritoryong maritima ng bansa.
Ang madalas na panghihimasok ng mga
sasakyang pandagat ng China sa teritoryo
ay nakakaapekto sa kabuhayan ng
mangingisdang Pilipino.
Higit sa lahat, ang lumalalang
pagtatabuhay ng mga Chinese maritime
milisya sa mga sasakyang pandagat ng
Pilipinas ay patuloy na hamon sa
pambansang seguridad.
Ang issue ng korupsyon o katiwalian ay
matagal ng balakid sa sinisikap na
pagsasaayos ng pamamahala sa Pilipinas.
Ayon sa isang pagsusuri noong 2022,
lahat ng uri ng korupsyon mula sa
simpleng panunuhol ay nagaganap sa
bansa.
Ang korupsyon ay tumutukoy sa
pang-aabuso sa kapangyarihang
ipinagkatiwala sa isang indibidwal para
sa sariling kapakinabangan upang makuha
ang minimithing bagay sa pamamagitan ng
hindi patas na paraan.
Ito ay may kinalaman sa hindi tamang
paggamit ng mga pinagkukunang yaman,
impluwensya at autoridad ng mga
indibidwal o pangkat na karaniwang nasa
posisyon na sumasaklaw sa pampubliko at
pampbadong sektor.
Ito rin ang nagiging sanhi ng kawalan ng
tiwala ng mga mamamayan sa kakayahan ng
pamahalaan na makapagkaloob ng
inaasahang kapakinabangangang panlipunan
at pang-ekonomiya.
Noong February 2022 ay itinala ng
Transparency International sa kanilang
Corruption Perception Index ang
Pilipinas sa posisyong pang 116 sa 180
na bansa sa score na 33 na tinatayang
level ng korupsyon sa pampublikong
sektor sa daigdig gamit ang iskalang
zero bilang highly corrupt at 100 bilang
very clean.
Ang korupsyon ay karaniwang nagaganap sa
pamamagitan ng panunuhol upang makamit
ang minimithi mula sa pamahalaan. Ang
panunuhol o bribery ay nauuri sa active
at passive na panunuhol.
Active ang panunuhol kung tinanggap ng
isang kawani ng gobyerno kapalit ng
pagkuha ng isang proyekto ng pamahalaan.
Ang pagpapabilis ng pagkakaloob ng
hinihing pondo.
Pagkakaloob ng mahalagang kontrata mula
sa pamahalaan. Pagpapabilis ng proseso
ng inspeksyon para sa lisensya. Pinadali
o pinababa ang buwis.
Passive naman ang panunuhol kung
tinanggap ng opisyal ng kumpanya para sa
seguridad ng isang kriminal upang
maganap ang pagnanakaw. Kung ang isang
opisyal ay humingi ng kickback para
makuha ang purchasing at procurement.
Kung ang isang empleyado ay mas mabilis
na naibigay ang isang serbisyo at
produkto sa customer na nagbigay ng pera
o regalo.
At kung ang kontrata ng isang public
beeder ng binibiling serbisyo o produkto
ng pamahalaan ay hindi dumaan sa tamang
proseso ng BAC o bids and awards
committee dahil sa pagbibigay ng regalo
o pera.
Ang korupsyon na kadalasang ginagawa sa
pamamagitan ng pang-aabuso sa
kapangyarihan at pribilehiyo ay
kailangang harapin.
Mahalaga ang pagsasakatuparan ng mga
programang may kinalaman sa pagtataguyod
ng integridad at malakas na pamantayan
ng pag-uugali, pangangailangan at
oportunidad.
Ang mga hamong pang-ekonomiyang
hinaharap ng Pilipinas ay may kinalaman
sa mga isyung may malalim na
pinag-ugatan.
Ito ay kinapalooban ng mga isyung may
kinalaman sa kahirapan, lumalaking agwat
sa pagitan ng mga mayaman at mahirap at
hindi maunlad na sektor ng agrikultura
at iba pa.
Mahalaga na maunawaan ang mga ito upang
magkaroon ng higit na pag-unawa sa
kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya
ng bansa.
Sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo
at imperyalismo sa huling bahagi ngaw
siglo ay hindi pa rin nawala ng tuluyan
ang impluwensya ng mga kanluraning bansa
sa timog silangang Asya.
Ito ay sa pamamagitan ng makabago at
tahimik na paraan ng pananakop na
tinatawag na neokolonyalismo.
Ito ay tumutukoy sa pagsasamantala ng
isang makapangyarihang bansa sa isa pang
bansa upang maipagpatuloy ang mga
kapakinabang natatamasan nito sa
papaunlad na bansa.
Nagsisilbing hamon ang neokolonyalismo
sa Pilipinas. Bunsod ng sumusunod na
dahilan ang patuloy na pag-asa ng bansa
sa mga dayuhang pamumuhunan at tulong.
Ang patuloy na pakikilahok sa ekonomiya
ng bansa ng mga dayuhang multinasyonal
na karaniwang dating mga kolonyalistang
bansa.
Ang Pilipinas ay nakatali sa mga
tuntuning idinidikta lamang ng mga
namumuhunan. Sa pagpapatupad ng mga
kondisyong ito ay maaaring mabaliwala
ang kapangyarihan at kalayaan ng
pamahalaan sa pagpapasya.
Ang patuloy na pagpasok ng Pilipinas sa
mga kasunduang pangkalakalan ay maaaring
maging sanhi ng pananamantala ng mga
makapangyarihang organisasyon o bansa.
Hindi malayo na humingi ang nagkaloob na
bansa ng pagkakataon na magamit ang
likas na yaman at kapaligiran ng
Pilipinas na maaaring maging sanhi ng
pagkasira ng kalikasan, kaguluhan sa
lipunan at konsentrasyon ng yaman sa
kamay ng mga dayuhan.
Ang Multinational Corporation o MNC ang
karaniwang gumaganap sa papel ng
neokolonyalismo.
Ang pagpasok nito sa isang bansa ang
pagsisimula ng hindi tuwir ang
pagkontrol ng makapangyarihang bansa sa
mga umuunlad pa lamang na mga bansa.
Ito ay maaaring magtatag ng operasyon sa
isang umuunlad na bansa upang makinabang
sa higit na murang paggawa at hilaw na
materyales.
Sa pangyayaring ito ay napagkakalooban
lamang ng mababang pasahod ang mga
manggagawa at kasabay ng pagkasira ng
kapaligiran ng bansang papaunlad.
Kadalasan, ito ay nauuwi sa sitwasyong
ang MNC ang nagdidikta ng mga tuntuning
makapagbibigay sa kanila ng higit na
kapakinabangan.
Ang sitwasyong ito ay nagbibigay daan sa
mga gawaing offshoring o paglipat ng
maraming MNC mula sa maunlad na bansa
patungo sa umuunlad pa lamang na bansa.
Ginagawa ito upang maiwasan ang mahigpit
na regulasyong pangkapaligiran at mataas
na buwis sa maunlad na bansa.
Ang pangingibabaw ng mga multinational
companies sa umuunlad na bansa ay
maaaring makapigil sa pag-unlad ng mga
lokal negosyo at makahadlang sa
paglilinang ng industriya ng umuunlad pa
lamang na bansa.
Sa isang banda, ang MNC ay nakapagdadala
ng puhunan, hanapbuhay at teknolohiya sa
umuunlad na bansa na nakatutulong naman
sa pang-ekonomiyang pag-unlad nito.
Isang benepisyo rin sa isang umuunlad na
bansa ang pamumuhunan ng mga MNC sa mga
proyektong imprastruktura tulad ng mga
kalye at power plants.
Ang mahabang panahon ng pagkakautang ng
bansa na may mataas na interes at
maikling panahon ng pagbabayad ay
maaaring mauwi sa siklo ng pag-asa ng
bansa sa pag-utang.
Maaaring maging sanhi ito ng kawalan ng
katatagan ng pamahalaan at ekonomiya.
Sa patuloy na pag-utang ng Pilipinas,
ang bansa ay maaaring masangkot sa mga
kasunduang hindi makakatulong sa mga
hamong kinakaharap nito.
Ang lumalaking agwat sa pagitan ng
mayaman at mahirap ay laganap na issyue
sa bansa.
Ang hindi pagkakapantay-pantay na ito ay
nakapipigil sa pagsisikap ng pamahalaan
na mabawasan ang kahirapan. at maaaring
mauwi sa kaguluhan sa lipunan.
Sa kabila ng pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa ay malaking bahagi ng populasyon
ay namumuhay pa rin sa kahirapan.
Ito ay ibinubunsod ng hindi
pagkakapantay-pantay ng kita ng mga
mamamayan sa bansa.
Matagal ng hamon sa bansa ang kawalan ng
pundasyong industriyal.
Ang Pilipinas ay nagsilbing pinagkukunan
lamang ng mga hilaw na materyales at mga
produktong agrikultural ng mga
kolonalistang bansa.
Ito ay pinalalapan ng alituntuninguning
libreng batas ng pagpapalitan o free
trade sa Estados Unidos na naghikayat ng
ekonomiyang nakatuon lamang sa
agrikultura.
Iniwan ng mga kolonyalistang ito ang
Pilipinas na hindi man lang nakapagpunla
ng pundasyon para sa industrialisasyon.
Nahadlangan ng mga pagkukulang na ito
ang pagtatatag at pagpapasulong ng
industriya na hindi rin nakaakit sa mga
mamumuhunan sa bansa.
ang BPO at OFW.
Sa mga nakaraang dekada ay
kapansin-pansin ang pag-asa ng Pilipinas
sa sektor ng serbisyo partikular sa
industriya ng business process
outsourcing at remittance mula sa mga
overseas Filipino workers.
Inilihis ng pagbabagong ekonomiyang ito
sa iilang pagkakataon ang atensyon
palayo sa pagpapaunlad ng matatag na
pang-industriyang sektor.
Sa kabila ng mga ito ay sinisikap pa rin
ng pamahalaan at mga stakeholder na
maibsan ang mga hamon at isulong ang
industrialisasyon.
Layo ng Philippine Development Plan ang
pagsusulong ng industrialisasyon.
Ang agrikultura at food security.
Ang agrikultura na isa sa
pinakamahalagang sektor ng bansa ay
nananatiling hamon sa pamahalaan dahil
dito nakasalalay ang ekonomiya at
seguridad ng pagkain ng bansa.
Ang kakulangan ng sapat na kapital ng
mga magsasaka upang mabayaran ang mataas
na halagang gamit sa agrikultura tulad
ng abono, pestisidyo at iba pa.
Karaniwang nauuwi sa microfinancing o
pangungutang sa mga money lender na may
malaking buwan ang interes sa mga
magsasaka.
Ang kakulangan ng pasilidad para sa mga
aning produkto. Ang mga ani ay hindi
naiimbak ng maayos o tama kung kaya't
napipilitang ibenta ito sa mababang
halaga upang maiwasan ang pagkasira
nito.
Ang paglala ng suliranin sa climate
change. Ang mataas na temperatura ay
nagiging sanhi na mahinang ani.
Samantalang ang pagdating naman ng
sobrang ulan ay nagdudulot ng baha na
nakasisira naman sa mga pananim.
Ang kakulangan ng oportunidad sa
pamilihan.
Nalilimitahan ang oportunidad ng maliit
na magsasaka sa pamilihan sa dahilang
wala silang kapasidad na
makipagpaligsahan sa malaking pamilihan.
Ang kakulangan ng makabagong teknolohiya
at proseso. Ang lakas pagawa ng
agrikultura sa bansa ay karaniwang
kulang sa kaalaman at kasanayan sa
makabagong paraan ng pagsasaka at
pagpapanatili ng masaganang produkto.
Sinasabi sa isang pag-aaral na hindi
hangad ng mga magsasakang Pilipino na
maging magsasaka rin ang kanilang mga
anak hanggang hindi sila sigurado na
magkakaroon ng malinaw na kinabukasan
ang kalagayan ng agrikultura sa bansa.
Bunsod nito, ang Pilipinas ay maaaring
makaranas ng kakulangan sa mga magsasaka
sa darating ng mga dekada.
Ang hamon sa kultura at lipunan.
Ang masiglang kapuluan ng Pilipinas ay
mayaman sa tradisyong kultural at
matibay na kamalayang panlipunan.
Ngunit sa likod ng katotohanang ito ay
madarama ang mga isyung nagsisilbing
hamon para sa mga Pilipino.
Ang pagkakakilanlang Pilipino.
Ang Pilipinas ay napapalooban ng mayaman
at magkakaibang pamanang kultura na
nahubog ng daang-daang taon ng
kolonisasyon. pandarayuhan at
pakikipag-ugnayan sa iba't ibang
kultura.
Bunsod ng kalagayang ito, ang konsepto
ng pagkakakilanlang Pilipino ay hindi
madaling matukoy at higit sa lahat ay
umuunlad sa pagdaan ng panahon. Ang
sumusunod ang salik at usapin kaugnay ng
pagkakakilanlang Pilipino.
Ang mga Pilipino ay may kakaibang
pinagmulang Asyano na may matibay na
tradisyong kanluranin.
Kapansin-pansin sa isang modernong
Pilipino ang kulturang may impluwensya
ng mga Chino na sa simula pa lamang ay
nakipagkalakala na sa Pilipinas at
impluwensya ng mga kolonyalistang
Espanyol at Amerikano
dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan na
binubuo ng mahigit 7,Bo6 na kulo, ito ay
pinaninirahan ng maraming pangkat etniko
na may kani-kanyang wika, gawi at
tradisyon. Ang bagay na ito ay naging
sanhi ng katapatan sa interes ng isang
partikular na rehiyon na kadalasan ay
nagiging sanhi ng pagkalito kung paano
ilalarawan ang pagkakakilanlang
Pilipino. Kung ito ay ibabatay ba sa
rehiyon na kinabibilangan o sa
kinabibilangang nasyonalidad.
Dalawa ang opisyal na wika ng Pilipinas.
Filipino na batay sa Tagalog at ang
English. Dahil sa bagay na ito, marami
ang nalilito kung ano nga ba ang
kanilang pagkakakilanlan. na bagamat ang
mga magulang ay Pilipino, higit na
magaling sa paggamit ng wikang ingles
ang kanilang mga anak na bagam't mga
Pilipino ay hindi nakakaunawa ng
maraming salitang Pilipino.
Ang maaaring pagkawala ng mga
tradisyonal na pagpapahalaga at
pamantayang moral na nakabatay sa
tradisyong Pilipino sa kasalukuyang
panahon ng globalisasyon kung saan ang
Pilipinas ay higit ng nakauunay sa
pandaigdigang ekonomiya at kultura.
Bunsod ng mabilis at tumitibay na
pakikipag-ugnayang ito. Maaaring mawala
ang pagkakakilal nilang Pilipino na
higit nakikitaan ng kulturang kanluranin
sa pangaraw-araw na buhay.
Sa kabila ng mga usaping ito,
ipinagmamalaki pa rin ng mga Pilipino
ang mayamang paman kultural at kasanayan
ng Pilipinas.
Malaki rin ang hamon sa lipunan at
kultura sa Pilipinas pagdating sa
karapatang pantao.
Ang kapakanan at kagalingan ng mga
pangkat etniko.
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming
pangkat etniko at katutubong mamamayan
na kilalang lumad o katutubo.
Sa kabila ng likas na yaman sa
kapaligiran ng mga katutubong mamamayan,
sila ay maituturing na kabilang sa mga
pinakamahirap at mahinang sektor sa
bansa.
Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 100
pamayan ng indigenous sa Pilipinas. 61%
nito ay matatagpuan sa Mindanao. 33% ay
matatagpuan sa Luzon. Samantalang 6% ay
nasa Visayas.
Sila ay pinagkaitan ng karapatan at
oportunidad na malinang ang kakayahan na
makakaangkop sa mabilis at nagbabagong
kapaligirang panlipunan, pang-ekonomiya
at pangpolitikal.
Ang mga pangkat na ito ay karaniwang
naninirahan sa mga liblib na po rural na
hindi napagtotunan ng pansin ng
pamahalaan.
Dahil sa nasa liblib na mga puok,
nalimitahan ang kanilang karapatan sa
edukasyon, pangangalagang pangkalusugan
at oportunidad na pang-ekonomiya.
Ang karamihan sa kanila ay nahaharap sa
mga issyung may kinalaman sa pag-aangkin
ng lupa. Ang kanilang mga lupaing
minanapa sa kanilang mga ninuno ay
palagian ng tinutuunan ng mga proyekto
para sa pagpapaunlad, pagmimina at
pagpapalawak ng agrikultura.
Naipasa ang batas na Indigenous People's
Rights Actong 1997 na nagtalaga ng
pagkilala sa karapatan ng mga katutubong
mamamayan sa kanilang mga lupain,
integridad na pangkultura at pagpapasya
sa sarili. Gayun paan, sinasabi na ang
implementasyon ng batas na ito ay hindi
nagiging pantay-pantay.
Ang issue sa gender equality.
Ang gender equality ay tumutukoy sa
pagkakaroon ng pantay na karapatan,
responsibilidad at oportunidad nino man
ng walang inaalintanang uri ng kasarian.
Ibig sabihin, ang bawat mamamayan na
kabilang sa anumang kasarian ay
kinakailangang magkaroon ng pantay na
karapatan sa edukasyon, pangangalagang
kalusugan, paghahanap buhay, katayuan sa
pamumuno, pantay na pasahod para sa
magkatulad na trabaho, kalayaan sa
diskriminasyon. Batay sa kasarian,
kaakibat ang pagbibigay galang sa uri ng
kasarian at karapatan nito.
Bagamat't nakagawa na ng makabuluhang
hakbang ang Pilipinas, kaugnay ng gender
equality kumpara sa ibang bansa sa
rehiyon at iba pang bansa sa daigdig.
Kailangan pa ng pagsusulong ng higit na
hakbang upang mapanatili ang mga
nasimulan ng tagumpay na ito.
At ang inclusive education.
Ang inclusive education ay tumutukoy sa
pagtiyak na ang lahat ng mag-aaral, ano
man ang kakayahan o kapansanan ay
tinatanggap, pinahahalagahan at
sinusuportahan ng kanilang pag-aaral.
Ito ay may kinalaman sa paglikha at
pagkakaloob ng mabisang pagkatuto para
sa magkakaibang pangangailangan ng lahat
na mag-aaral.
Bagamat't nakapagdala ng maraming
kapakinabangan ang ICT at social media,
ito ay nagdulot din ng makabuluhang
hamon sa bansa.
Ang hindi pantay na oportunidad o
pagkakataong makagamit ng ICT ay lumikha
ng digital divide sa bansa. Halimbawa
nito ay ang hindi pantay na oportunidad
sa paggamit ng internet at iba pang
gadget sa pagitan na mayaman at mahirap.
Ang digital divide na ito ay nagpalawak
sa agwat ng hindi pagkakapantay-pantay
sa edukasyon na naging sanhi ng hindi
pagpapatuloy ng pag-aaral, nakaranas ng
mga issyu sa kalusugan ng isip at
naharap sa limitadong oportunidad sa
kinabukasan.
Ang ICT at social media ay naging ugat
din ng paglaganap ng maling impormasyon
at balita na maaaring makamanipula sa
opinyon ng publiko, makapagpahina sa
tiwala ng mamamayan sa mga institusyon
at makapagpaligalig sa lipunan.
Ang labis na paggamit ng social media ay
maaari ding mauwi sa pagkagumon sa
paggamit nito. Pagbubukod ng sarili sa
iba at negatibong epekto sa kalusugan ng
isip partikular na sa mga nakababatang
mamamayan.
Ang ICT at social media ay nagbigay daan
din sa paglaganap ng cyber crime tulad
ng identity, online scamming at cyber
bullying.
Maalab na tagahanga ng sport sa mga
Pilipino. Ngunit ang bansa ay nahaharap
sa ilang makabuluhang hamon sa pagtatamo
ng pagtatagumpay sa pandaigdigang
sports.
Ito ay bunsod ng kakulangan ng sapat na
pondo na nagiging sanhi ng kakulangan ng
mga pasilidad, kagamitan, pagsasanay at
kwalipikadong tagasanay at suporta para
sa mga atleta ng bansa.
Naaapektuhan din ito ng korupsyon,
maling pamamahala sa pondo at hindi
pagkakaunawaan sa mga samahan ng sports.
Sa kabila ng mga hamong ito, ang
Pilipinas ay patuloy na humahaot ng
medalya sa larangan na ito. Ang bansa ay
regular na kasama sa top five na
kampeonato sa Southeast Asian Games sa
pabago-bagong pwesto. Ngunit nananatili
namang hamon ang lakbayin ng bansa sa
pandaigdigang Olympics kumpara sa SEA
Games.
Ang mga hamon sa pagkabansa ng Pilipinas
matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdig.
UNLOCK MORE
Sign up free to access premium features
INTERACTIVE VIEWER
Watch the video with synced subtitles, adjustable overlay, and full playback control.
AI SUMMARY
Get an instant AI-generated summary of the video content, key points, and takeaways.
TRANSLATE
Translate the transcript to 100+ languages with one click. Download in any format.
MIND MAP
Visualize the transcript as an interactive mind map. Understand structure at a glance.
CHAT WITH TRANSCRIPT
Ask questions about the video content. Get answers powered by AI directly from the transcript.
GET MORE FROM YOUR TRANSCRIPTS
Sign up for free and unlock interactive viewer, AI summaries, translations, mind maps, and more. No credit card required.