Ang Asya at Africa sa Panahon ng Cold War AP8 Q3 Week 6 (Revised K-12 Curriculum) #ap8matatag
FULL TRANSCRIPT
Ang Asya at Africa sa panahon ng Cold
War. Ang cold war na naganap mula sa
pagtatapos ng ikalawang digmaang
pandaigdig hanggang dekada 80 ay hindi
lamang nakaapekto sa Europa at
Amerika. Ang mga bansa sa Asya at Africa
ay naging sentro din ng tunggalian sa
pagitan ng Estados Unidos at Unyong
Subet.
Sa mga panahong ito ay maraming bansa sa
Asya ang nagtagumpay na makamit ang
kalayaan mula sa kolonyal na
pamamahala. Ngunit ang kanilang
kasarinlan ay sinubok ng Estados Unidos
at Unyong Sobiet na nagpasiklab ng
tensyon sa pamamagitan ng pagpapalakas
ng mga pwersang pampulitika at militar
sa rehiyon.
ang paglaya ng mga
bansa. Ang dekada matapos ang ikalawang
digmaang pandaigdig ay nagmarka ng
pagsibol ng nasyonalismo at malawakang
dekolonisasyon sa buong
mundo. Ang prosesong ito ay nagsimula
bilang resulta ng lumalakas na damdaming
makabayan at pagkilala sa sariling
pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa mga
kolonya.
Marami sa mga dating kolonya sa Asya at
Africa ang nagkamit ng kalayaan sa
mapayap man o madugong pamamaraan.
Ang malawakang dekolonisasyon ay
nagdulot ng unti-unting pag-abando na ng
mga makapangyarihang bansa sa
kolonyalismo. Sa Asya, maraming bansa
ang nagnais makamit ang kalayaan noon
pang bago sumiklab ang digmaan sa Asya
Pacipico. Sa pagkatalo ng pwersang
Japones sa timsilangang Asya, marami sa
mga dating kolonya ang muling pinamunuan
ng mga dating imperyalistang
bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
Pilipinas na bumalik sa pamahalaang
Commonwealth sa ilalim ng gabay ng mga
Amerikano at naka-meet lamang ang
pangakong kalayaan noong July 4, 1946
matapos ang 10 taon.
Taong 1947 ay nakatanggap ng kalayaan
ang India mula sa Britanya na nagdulot
ng pagkakahati ng bansa sa dalawang
estado, ang India at Pakistan. Bilang
bahagi ng mas malawak na proseso ng
dekolonisasyon. Naging madugo naman ang
pagbabalik ng mga Pranses sa Indochina
noong 1946 hanggang 1954.
Sa pamumuno niimin ay lumaban sila para
sa ganap na kalayaan ng mga Vietnam.
Tinawag itong unang digmaan sa Indo
China. Natalo ang mga Frances noong 1954
ngunit nahati ang Vietnam sa komunistang
hilaga at demokratikong tim.
Nagpatuloy ang pakikibaka ni Hochimin
mula 1955 hanggang 1975 upang mapag-isa
ang Vietnam na tinawag na ikalawang
digmaang Indo China o digmaan sa
Vietnam. Ang taong 1960 ang tinaguriang
taon ng Africa na nagmarka ng paglaya ng
17 bansa kabilang ang Congo at Nigeria
mula sa kolonyal na pamamahala.
Ang ilan ay lumaya sa mapayapang paraan
at ang iba ay dumaan sa marahas na
digmaan. Sa paglayang ito ay maraming
bansa ang nabuo sa Africa at itinakda
ang kanilang mga pambansang hangganan.
Ngunit ang naging basihan ng paghahating
ito ay ang pagtatakda ng mga
kolonyalistang europeo nang hindi
isinaalang-alang ang kultura o pangkat
etnolinguistiko sa bawat
bansa. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan
ng mga pangkat etnolinguistiko at tribo
na humantong sa alitan ng mga bagong
tatag na bansa sa
Africa. Naging magulo din ang
pagsasarili sa South Africa. Bagam't
marami sa mga mamamayan doon ay mga
tubong Africa ay patuloy na namuno ang
mga tubong
Europa. Ipinatupad sa South Africa ang
pulisiyang apared o sa pilitang
paghahati sa
populasyon. Ang upar feed ay ang
patakaran ng segregasyon o paghihiwalay
ng mga puti at itim sa South Africa. Sa
pagbubukod na ito ay nabibigyan ng
kapangyarihan at pabor ang mga taong may
puting balat kaysa mayroong itim na
kulay na
balat. Naging pabor ang Unyong Sobiet sa
pagtatalaga ng mga diktador na kampi sa
komunismo at sa pamunoang Subet. Dahil
dito ay naging laganap ang katiwalian at
pang-aabuso sa mga bansa sa Africa.
Sa kabilang banda ay ginamit naman ng
Estados Unidos ang kanyang impluwensya
at lakas militar upang higayatin ang
ilang bansa na tutulan ang komunismo.
May ilang pagkakataon na direktang
nakialam ang Estados Unidos upang
siguruhin na hindi mananaig ang pwersang
komunista.
Ang pag-usbong ng
neokolonyalismo. Kasabay ng
dekolonisasyon at paghahangad ng Estados
Unidos, Unyong Sobiet at iba pang
makakapangyarihang bansa noong ikaw
siglo ay lumitaw ang konsepto ng
neokolonyalismo. Ang neokolonyalismo ay
tumutukoy sa pagpapanatili ng kontrol ng
mga makapangyarihang bansa sa mga bagong
layang bansa o
estado. Sa neokolonyalismo ay hindi
direktang kinokontrol ng mas
makapangyarihang bansa ang pamahalaan at
sistemang pang-ekonomiya ng isang
kolonya. Ang mga bansa na dating
kolonyalista ay nagpapatuloy ng
dominasyon sa mga bagong layang bansa sa
pamamagitan ng mga kasunduang
pang-ekonomiya. pautang at tulong
pinansyal. Ang neokolonyalismo ay
makikita rin sa paglaganap ng mga
multinational corporations at mga
pandaigdigang institusyong pinansyal
tulad ng International Monetary Fund at
World Bank. Ang mga institusyong ito ay
kadalasang nagtatakda ng mahigpit na
kondisyon sa mga pautang at programa
kung saan nakikinabang sa mga interes
ang mga malalaking bansa or korporasyon
sa halip ng mga lokal na pamahalaan.
Ang epekto ng neokolonialismo ay
nagiging hadlang sa tunay na kasarinlan
at kaunlaran ng mga bagong layang bansa.
Sa kanilang pag-asa sa mga tulong
panlabas ay madalas na napipilitan ang
mga bansa na magpatupad ng mga
patakarang pabor sa mga dayuang
interes. Ang non-aligned
nations. Habang ang mundo ay nahahati sa
dalawang magkasalungat na ideolohiya
noong panahon ng Cold War. Maraming
bansa lalo na ang mga bagong laya mula
sa kolonyal na pamamahala ang humarap sa
hamon ng pagpili ng
panig. Ito ang naging sanhi sa
pagkakabuo ng non-aligned movement.
Isang samahan ng mga bansa na nagpasang
manatiling neutral at iwasan ang
pagtatalaga sa alinmang superp.
Ang non-aligned movement ay naglalayong
ipaglaban ang mga interes at karapatan
ng mga bansa sa kanilang sariling
pag-unlad at soberanya. Sa kabila ng mga
digmaan at hidwaan sa mga panahong
ito, ang mga bansang kabilang sa
non-aligned movement ay nagpasang umiwas
sa direktang pagkampi sa alinmang panig
upang mapanatili ang kanilang kalayaan
at soberanya.
Nagpatupad ang non-aligned movement ng
mga patakarang nakatuon sa pagtataguyod
ng kooperasyon sa pagitan ng mga
miyembrong estado sa halip na umasa sa
mga kanluraning
bansa. Ang bandong conference na ginanap
sa bandong Indonesia noong April 1955 na
pinangunahan ni J Harlar Niru, Socarno,
Gamal Abdel Nazir at Joseph Bros Tito
ang siyang nagpasimula ng diwa ng
non-aligned movement.
Ang digmaan sa
Korea. Matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdig ay nahati ang Korea sa hilaga
at timog bilang bahagi ng kasunduan ng
mga alpang pamahalaan ang dating kolonya
ng bansang
Hapon. Ang hilagang Korea ay nasa ilalim
ng impluwensya ng Unyong Soyet.
Samantalang ang Timog Korea ay nasa
ilalim ng kontrol ng Estados Unidos.
Sinuportahan ng Unyong Sobiet ang
komunistang pamahalaan ng hilagang Korea
sa pamumuno ni Kim
Ilsung. Nagtaguyod naman ng
demokratikong pamahalaan ang Estados
Unidos sa Timog Korea sa ilalim ng
pamumuno ni
Signam. Taong 1950 ng salakayin ng
hilagang Korea ang timog Korea upang
subukang pag-isahin ang bansa sa ilalim
ng pamahalaang komunista.
Mabilis na tumugon ang Estados Unidos
kasama pa ang ibang bansa bilang bahagi
ng United Nations Command. Sa takot na
ang pagbagsak ng Timog Korea ay magdulot
ng domino effect na magpapahina sa iba
pang bansa sa Asya laban sa
komunismo. Nagbigay naman ng suporta ang
Unyong Sobiet sa pamamagitan ng armas at
ang Chs ay nagpadala naman ng mga
sundalo upang tulungan ang hilagang
Korea. Ang digmaang ito ay kilala bilang
digmaang Koreano na naging bahagi ng mas
malawak na tunggalian sa pagitan ng
Estados Unidos at Unyong
Sobiet. Bagam't nagkaroon ng
pansamantalang kasunduan sa tigil
putukan noong 1953 ay nananatiling hati
ang Korea at walang pormal na kasunduang
pangkapayapaan ang napirmahan.
Ang pansamantalang tigil putukan ay
nagresulta sa paglikha ng demilitarized
zone sa 38 parallel na nananatili
hanggang
ngayon. Ang digmaan sa
Vietnam. Katulad sa Korea, ang Vietnam
ay nahati din sa dalawang bahagi matapos
ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Ang hilagang Vietnam sa pamumuno ni
Himin, isang komunistang pamahalaan na
suportado ng Unyong Sobiet at ang timog
Vietnam sa pamumuno ni Ngon Jem,
antikomunistang pamahalaan na suportado
ng Estados Unidos.
Taong 1955 nang magsimulang umatake ang
mga tagahilaga sa katimugang bahagi ng
Vietnam sa pamamagitan ng mga Viet Kong.
Mga girilyang komunista na sumusuporta
sa sosyalistang hukbo ng hilagang
Vietnam. Ang pamahalaan ni Ngodin Gem sa
Timog Vietnam ay humarap sa seryosong
banta dahil sa pagsalakay ng mga Viet
Kong. Kaya't agad na nagpadala si
pangulong John F. Kennedy ng ilang
libong tagapayong militar upang tulungan
ang sandatahang lakas ng Timog
Vietnam. Matapos ang asasinasyon kay
Pangulong Kennedy, si Lindon B. Johnson
ang humalili bilang pangulo ng Estados
Unidos at siyang nagpalawak sa direktang
pakikilahok ng Amerika sa digmaan.
Nagpadala si pangulong Lindon Johnson na
mahigit dalawang milyong sundalo pati na
rin mga armas at kagamitan sa Vietnam.
Sa kabila ng mas moderno at malakas na
mga armas ng mga Amerikano ay nanaig pa
rin ang mga Viet Kong dahil sa kanilang
masusing paggamit ng mga lagusan sa
ilalim ng lupa upang makaiwas pag-atake
ng mga sundalong
Amerikano. Ang mga lagusan sa ilalim ng
lupa ay ginamit din ng mga Viet Kong
para sa pagkilos at pag-iimbak ng mga
kagamitang pandigma.
Sa paglipas ng mga taon ay tumaas ang
bilang ng mga Amerikanong nasawi sa
digmaan na umabot sa mahigit
58,000 na nagdulot ng matinding
pag-aalala at protesta sa loob ng
Estados
Unidos. Unti-unting nagbago ang
estratehiya ng Estados Unidos at matapos
ang malawakang pag-atake ng mga Viet
Kong sa ilalim ng Tet Offensive ay
napagtanto ng America na mahihirapan
silang manalo sa digmaan.
Sa ilalim ng administrasyong Richard
Nixon ay ipinakilala ang patakarang
Vietnamation. Ang unti-unting paglipat
ng responsibilidad ng pakikitigma sa mga
pwersa ng Timog Vietnam at ang
unti-unting pagbabawas ng mga sundalong
Amerikano sa Vietnam.
Taong 1975 nang tuluyang nahulog ang
Saigon sa kamay ng pwersa ng hilagang
Vietnam na nagmarka ng opisyal na
pagtatapos ng digmaang Vietnam at ang
pagkakabuo ng Socialist Republic of
Vietnam noong
1976. Ang digmaan sa Afghanistan.
Taong 1978 na maganap ang madugong
kudita at maagaw ng People's Democratic
Party of Afghanistan. Isang makakaliwang
partido ang kapangyarihan mula sa
gobyerno. Itinatag ng PDPA ang isang
makasubyet na pamahalaan na nagpatupad
ng mga radikal na
reporma. Subalit marami sa repormang ito
ay tinutulan ng tradisyonal at
relihiyosong Afghan.
Ang pagtutol na ito ay naging sanhi ng
paglulsad ng digmaang sibil sa pagitan
ng PDPA at mga rebeldeng
mujhadin. Isang kilusang pangrelihiyon
na binuo mula sa grupong tutol sa
komunismo. Nakialam ang Unyong Subet
noong 1979 upang suportahan ang PDPA at
tiyakin ang kanilang kontrol sa
Afghanistan sa pamamagitan ng
pagpapadala ng libo-libong sundalo,
tangke at
armas. At bilang tugon, ang Estados
Unidos kasama ang ilang bansang
kanluranin ay nagboyot sa Olympics sa
Moscow noong 1980 bilang protesta sa
okupasyon ng Soviet sa Afghanistan.
Bukod dito ay lantaran ding sinuportahan
at pinondohan ng Estados Unidos ang mga
mujhadin sa pamamagitan ng Central
Intelligence Agency na nagbigay ng
pagsasanay, armas at tulong pinansyal sa
mga rebeldeng
Afghan. Matapos ang halos isang dekadang
mabigat na labanan at pagkatalo sa mga
taktikang gilya ng Mjahadin ay
napilitang umatras ang Unyong Soet sa
Afghanistan noong 1989.
Ang pag-alis ng Unyong Soet sa
Afghanistan ang nagbigay daan sa
pagbagsak ng komunismo sa
rehiyon. Ang Asya at Africa sa panahon
ng Cold War.
[Musika]
UNLOCK MORE
Sign up free to access premium features
INTERACTIVE VIEWER
Watch the video with synced subtitles, adjustable overlay, and full playback control.
AI SUMMARY
Get an instant AI-generated summary of the video content, key points, and takeaways.
TRANSLATE
Translate the transcript to 100+ languages with one click. Download in any format.
MIND MAP
Visualize the transcript as an interactive mind map. Understand structure at a glance.
CHAT WITH TRANSCRIPT
Ask questions about the video content. Get answers powered by AI directly from the transcript.
GET MORE FROM YOUR TRANSCRIPTS
Sign up for free and unlock interactive viewer, AI summaries, translations, mind maps, and more. No credit card required.